25, patay habang 17 ang sugatan sa nangyaring kilos-protesta sa Tajikistan

160

Patay ang 25 indibidwal habang 17 ang sugatan sa nangyaring kilos-protesta sa Gorno-Badakhshan Autonomous Province na sakop ng Tajikistan.

Batay sa ulat ng mga otoridad, nagkaroon ng sagupaan umano ang mga miyembro ng Tajik Regime at Pamiri Ethnic Minority na may ibang mga tuntunin sa wika, relihiyon at kultura.

Nasawi ang mga naturang biktima dahil sa naganap na karahasan at alitan sa rehiyon bunsod ng hindi magandang relasyon sa pagitan ng mga nasabing grupo.


Dagdag pa, nagkaroon ng bakbakan dahil na rin sa pang-aabuso sa karapatang pantao maging sa diskriminasyon sa mga trabaho at pabahay.

Facebook Comments