25 Pinoy, arestado sa Hong Kong dahil sa paglabag sa social distancing protocol

107

18 babaeng Overseas Workers (OFWs) at 7 iba pang lalaking Pinoy workers ang inaresto ng mga awtoridad sa Hong Kong dahil sa paglabag sa social distancing protocol.

Ang 25 na mga Pinoy ay nahuling nag-iinuman sa bar doon kung saan nalabag nila ang health protocol.

Mahigpit pa rin kasing pinagbabawal ngayon sa Hong Kong ang pagtitipon ng mahigit sa dalawa katao.


Ito ay bagama’t humupa na ang ika-5 wave ng COVID-19 doon.

Dinakip din ang may-ari ng bar dahil sa pagbebenta nito ng mga alak nang walang kaukulang lisensya.

Facebook Comments