25 slots para sa housekeeping training, iniaalok ng lokal na pamahalaan ng Navotas City

25
Photo Courtesy: Navotas Vocational Training and Assessment Institute

Hinihikayat ng Navotas Vocational Training and Assessment Institute ang mga residente na mag-apply para sa kanilang Housekeeping NC II training.

Dalawampu’t-limang (25) slots ang naghihintay para sa mga mapipiling aplikante ng second batch ng nasabing training.

Kabilang sa mga kwalipikasyon para makapasok sa housekeeping skills training ay dapat bonafide resident ng Navotas, 18-taong gulang, nakarating ng high school level o nakapagtapos ng high school o college, may gadget at internet access at may tools and equipment para sa kurso.

Mangyari lamang bisitahin ang kanilang Facebook account na Navotas Institute at sagutan ang form sa link na makikita sa page.

Matapos maisumite ang aplikasyon ay hintayin ang tawag o text para sa interview at assessment, gayundin sa mga susunod na hakbang para sa enrollment, at schedule ng klase.

Facebook Comments