Sunday, June 7, 2026

250 na mga kongresista, present ngayon sa plenary session ng Kamara

250 na mga kongresista ang present ngayon sa plenaryo session ng Kamara kung saan inaasahang gaganapin ang botohan para sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Present sa plenary session ngayon si Davao City 1st District Rep. Paolo Pulong Duterte, ang anak nya na si Davao City 2nd District Omar Vincent Duterte at pinsan na si PPP Party-list Rep. Harold James Duterte kasama si Davao City 3rd District Isidro Ungab

Nasa loob na rin ng plenaryo ang mga miyembro ng iba’t ibang civil society organizations sa pangunguna ng People’s Impeachment Movement na nagmartsa mula sa People’s center kung saan sila nagsagawa ng misa kanina kaugnay sa impeachment laban kay VP Sara.

Kasalukuyang nagbibigay ng sponsorship speech si House Justice Panel Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro hinggil sa committee report, resolution at articles of impeachment.

Masusundan ito ng interplelasyon ng mga kongresista bago magbotohan.

Ilang kongresista ang nagsabi na inaasahang nasa 200 o mahigit pang mga kongresista ang boboto pabor sa pagpapa-impeach kay VP Duterte.

Facebook Comments