250 undocumented OFWs mula Saudi Arabia, nakatakdang dumating sa bansa

Manila, Philippines -250 undocumented OFWs mula Riyadh at Jeddah, Saudi Arabia ang dadating sa bansa ngayong araw at bukas.

Ang 50 OFWs mula Riyadh ay dadating sa NAIA 3 ngayong alas tres ng hapon sakay ng Cebu Pacific.

Alas siete naman ng umaga bukas dadating sa NAIA 2 ang Philippine Airlines flight PR 663 sakay ang dalawang daang Filipino repatriates mula Jeddah.


Ang naturang ofws ay kabilang sa mga nabigyan ng amnestiya ng Saudi govt, sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas.

DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments