250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines, darating sa bansa sa June 27

43

Inaasahang darating sa bansa ang nasa 250,000 doses ng mga bakunang gawa ng Moderna sa Hunyo 27.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., kabilang rito ang mga bakunang binili ng pribadong sektor.


Samantala, nasa 1.5 million doses pa ng Sinovac vaccines ang darating sa bansa sa June 24.

Inaasahang ding darating sa bansa sa loob ng buwang ito ang mahigit dalawang milyong doses ng AstraZeneca, 150,000 doses ng Sputnik V at ang mga bakunang donasyon ng Amerika.

Habang sa Hulyo, nasa 11,670,000 vaccine doses ang darating sa bansa kabilang ang mga sumusunod:

 4.5 million Sinovac vaccine doses
 1 million Moderna vaccine doses
 1 million Sputnik V vaccine doses
 1.17 million AstraZeneca vaccine doses na binili ng pribadong sektor
 4 million doses ng Astrazeneca o Pfizer-BioNTech vaccines mula sa COVAX facility



Facebook Comments