26 firecracker related injuries, bago ang pagsalubong sa 2022, naitala ng DOH

83

Umabot na sa 26 firecracker-related injuries ang naitala ng Department of Health hanggang kahapon.

Ayon sa DOH, nagtamo ang mga ito ng sugat sa kamay, ulo, mata, leeg, dibdib at paa.

Kabilang sa mga paputok na sanhi ng injuries ang boga, Five Star, Piccolo, Triangle, Whistle Bomb, Baby Rocket, Kwitis at iba pang mga walang pangalan o imported na firecrackers.


Naitala ang mga insidente sa Western Visayas, Ilocos Region, Bangsamoro, National Capital Region, Cagayan, Central Luzon, Central Visayas, Bicol at SOCCSKSARGEN.

Facebook Comments