26 na Pinoy sa abroad, bagong tinamaan ng COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na 26 pang mga Pilipino sa ibayong-dagat ang nainfect ng COVID-19.

Wala namang naitalang bagong gumaling at wala ring bagong binawian ng buhay sa hanay ng overseas Filipinos.

Sa ngayon, umaabot na sa 18,607 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad ang na-infect ng virus.


Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 6,076 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 11,369.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 1,162.

Facebook Comments