Sunday, April 12, 2026

26 na retired K9 dogs, hinahanapan ng bagong kukupkop

Dalawampu’t anim na retired police service dogs ang kasalukuyang for adoption ng Regional Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit.

Ang mga aso ay nagsilbi nang humigit-kumulang walong taon upang tumulong sa pagprotekta sa mga komunidad.

Ngayong retirado na sa serbisyo, hinahanapan na sila ng mga kwalipikadong indibidwal na maaaring kumupkop o umampon sa kanila.

Nabatid na ang mga nasabing aso ay lubos na sinanay upang tumulong sa mga awtoridad sa pag-detect ng mga pampasabog.

Tumutulong din sila sa pagsuporta sa mga operasyong panseguridad sa mga pangunahing pampublikong kaganapan, transport hubs, at iba pang lugar na itinuturing na high-risk.

Kaugnay nito, para sa iba pang inquiries at sa proseso ng adoption, hinihikayat ng Regional EOD and Canine Unit ang mga interesado na makipag-ugnayan kay Manny V. Molina sa mga numerong 0946-409-0044 at 0939-724-099.

Facebook Comments