26 na volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal sa loob ng 24 oras ayon sa PHIVOLCS

96

Nakapagtala ng 26 na pagyanig o volcanic quake sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot sa 50 meters na mahihinang steaming activity ang na-monitor bago ito mapadpad sa hilagang kanluran at timog silangan ng bahagi ng Daang Kastila trail.

Nakataas ngayon ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.

Pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa itinalagang Taal Volcano Permanent Danger Zone dahil sa banta ng mga minor ashfall at pagbuga ng volcanic gas.

Facebook Comments