26 pang pinoy na biktima ng human trafficking sa Cambodia, nakauwi na ng Pilipinas

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Cambodia ang repatriation ngayong araw sa 26 Pilipino mula sa Oddar Meanchey Province sa Cambodia.

Ayon sa Philippine Embassy, agad silang nakipag-ugnayan sa Cambodian government matapos na humingi ng tulong ang naturang mga Pinoy.

Mabilis namang napalaya mula sa isang kompanya sa Samraong Municipality ang mga Pinoy.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs o DFA na prayoridad nila ang assistance-to-nationals sa mga nangangailang Pilipino sa abroad.

Facebook Comments