26 quarantine control points, ilalagay sa mga border papasok sa Metro Manila

58

Maglalagay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 26 na checkpoint sa quarantine control points papasok sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pag-iral na ngayon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong National Capital Region (NCR) na magaganap hanggang sa ika-20 ng Agosto.


Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr., tanging ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) lamang ang papayagang makapasok sa mga checkpoint.

Magde-deploy naman ang NCRPO ng Libreng Sakay ngayong araw na mayroong kaniya-kaniyang mga ruta para sa mga APOR na pumapasok at umuuwi sa trabaho.

Facebook Comments