27-year old vaccinee sa Lung Center, nakaranas ng pagkahilo matapos mabakunahan

60

Isang health employee ng Lung Center of the Philippines ang nakaranas ng hindi magandang pakiramdam matapos mabakunahan ng Sinovac vaccine.

Ayon kay Dr. Michael Ramos, ang staff ay isang 27 year old na babaeng vaccinee.


Dinala siya sa emergency room matapos makaranas ng pagkahilo .

Pero, nilinaw ni Ramos na hindi pa maikokonsiderang adverse side effect ang naramdaman ng babae.

Mayroon kasi aniya itong history na nahihilo na may kaugnayan sa kaniyang mata o paningin na malamang na dulot ito ng suot niyang face mask at face shield.

Dagdag ni Ramos, walang dapat ipangamba ang iba pang nakahandang magpabakuna dahil mas maraming health benefits ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine kumpara sa mga susulpot na kaunting mararamdaman sa katawan.



Facebook Comments