274 katao, nasagip habang isa ang nawawala matapos sumabog ang isang ferry boat sa Indonesia

1031

Aabot sa 275 kataong sakay ng isang ferry boat sa North Maluku province sa Indonesia ang sinagip ng mga otoridad matapos sumabog at masunog ang barkong sinasakyan ng mga ito.

Ayon kay Muhammad Arafah, Pinuno ng local search and rescue team, ilang sandali lamang matapos umalis sa daungan ay sumabog na ang isang parte ng barko dahilan para mapilitang tumalon sa dagat ang mga pasahero at crew nito.


Ligtas namang nasagip ang 274 pasahero pero pinaghahanap pa ang isang 43 anyos na lalaki.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang mga crew ng barko upang malaman kung may pananagutan sila sa pangyayari.

Facebook Comments