27K na Shabu nakumpiska sa anak ng retiradong Pulis

Selda ang bagsak ng isang 30 anyos na ginang matapos makumpiskahan ng 2 malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P 27,000 sa search warrant operation ng Datu Odin Sinsuat PNP at PDEA ARMM pasado alas sais kaninang umaga, sa kurbada area ng Brgy. Awang.

Kinilala ni Chief Inspector Achmad Alibonga hepe ng DOS PNP ang naaresto na si Nehira Macmod. Sinasabing target ng operasyon ay ang asawa nitong nakatakas na si Suharto na umanoy anak ng dating pulis.

Matagal ng nasa wacthlist ng PNP ang mag asawa dahil na rin sa kanilang hanapbuhay na pagtutulak ng droga.


Nakatakda ng sampahan ng kaukulang kaso si Macmod, habang patuloy na tinutugis ng mga otoridad si Suharto.(DENNIS ARCON)

GOOGLE PIC

Facebook Comments