28 pulis, sugatan sa nangyaring girian sa rally kahapon sa Padre Faura Ermita Maynila

38

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawangput walong pulis sa nangyaring girian kahapon sa Padre Faura Ermita Manila sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, malala sa mga nasugatang pulis ay nagtamo ng palo sa kanyang mukha, ang iba ay palo sa braso habang karamihan ay nagtamo ng gasgas sa katawan.

Wala namang naarestong raliyista kahapon sa nanyaring girian.

Pero inihahanda na ngayon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang pagsasampa ng kaso laban sa mga militanteng grupo.

Mahigpit naman ang paalala ni Albayalde sa mga pulis na palaging pairalin ang maximum tolerance habang mensahe naman ni NCRPO Chief sa mga raliyista na maging civilize habang inihahayag ang kanilang saloobin.

Facebook Comments