Nasa halos tatlong libong mga Automated Counting Machine (ACMs) na gagamitin para sa Halalan ngayong taon ang nakatakdang dumating sa Pangasinan sa unang mga araw ng Mayo.
Ayon kay Pangasinan COMELEC Elections Supervisor Atty. Eric Oganiza, kabuuang 2, 869 ACMs ay ang katumbas din na bilang mga clustered precints sa lalawigan.
Matagumpay ding natapos sa loob ng dalawang buwan ang pagsasagawa ng Voters’ Education at ACM demonstration sa lahat ng 1, 364 barangays sa Pangasinan na nagsimula noong December 2, 2024, kung saan itinuro ang wastong paggamit nito tungo sa mas maayos na pagboto.
NASA 2, 156, 206 ang bilang ng mga botante sa lalawigan ng Pangasinan na inaaasahang lalahok sa Midterm Elections.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments