29 anyos na Pinoy, isa sa bagong imported case ng COVID sa Hong Kong

Isang 29-anyos na lalaking Pilipino ang isa sa dalawang bagong imported case ng COVID-19 sa Hong Kong.

Nasa ikatlong araw na ng kanyang quarantine sa hotel ang Pinoy Hong Kong resident nang magpositibo sa COVID-19.

Nabatid na wala naman siyang sintomas nang dumating siya sa Hong Kong.


Fully vaccinated din ito nang umalis ng Pilipinas kung saan naturukan siya ng AstraZeneca.

Ang isa pang bagong imported case sa Hong Kong ay may travel history sa Europe.

Facebook Comments