29 Anyos na Studyante, Patay Matapos Magulungan ng Truck!

130

Ramon, Isabela- Dead On the Spot ang isang lalaki matapos magulungan ng isang Forward Truck na naglalaman ng sako-sakong mais pasado alas sais ng gabi, Marso 12, 2018 sa Brgy. San Miguel, Ramon, Isabela.

 

 

Kinilala ang biktima at nagmaneho ng Honda Wave na si Rex Bayaona, 29anyos, walang asawa, istudyante at residente ng Brgy. Planas, Ramon,Isabela samantalang nakilala naman ang drayber ng truck na si Roger Bello,38 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Sto Domingo, AlfonsoLista, Ifugao.

 

 

Batay sa ugnayan ng RMN Cauayan News Team kay PCI Melanio Vinoray, DeputyChief ng PNP Ramon, magkasalungat na binabagtas nina Bayaona at Bello ang daan nang umiwas umano si Bayaona sa nakaparadang kuliglig nang aksidenteng masagi ang unahang gulong ng kasalubong na truck.

 

 

Dahil umano sa lakas na impak nang pagtama ni Bayaona sa Truck ay pumailalim ito at nagulungan na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

 

 

Nasa kustodiya na ng pulisya si Bello maging ang Truck at motorsiklong ginamit ng biktima para sa kaukulang disposisyon habang isasailalim na sa inquest proceedings si Bello hinggil sa naturang insidente.

 

 

Tags: Lord Wilson Adorio, Melanio Vinoray, dwkd985cauayan, Ramon, Isabela,Luzon, RMN Cauayan

Facebook Comments