29 Bagong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Naitala; Lungsod ng Ilagan, Pinakamarami

2144

*Cauayan City, Isabela- *Nadagdagan pa ng panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Region 02, nasa 29 ang bagong naitala sa Lalawigan kung saan pinakamarami ang mula sa City of Ilagan.

Ang Lungsod ng Ilagan ay muling nakapagtala ng labing lima (15), sumunod na pinakamarami ang bayan ng Gamu na may labing isa (11), at tig isang (1) kaso naman ang naiulat sa bayan ng Angadanan, Quezon at Quirino.

Sa ngayon ay mayroon nang 123 na active cases ang Isabela.

Samantala, nakapagtala naman ang rehiyon dos ng 51 na bilang ng mga gumaling sa COVID-19 kung saan naitala ang pinakamaraming recoveries sa probinsya ng Nueva Vizcaya na mayroong 37, walo (8) sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City at apat (4) sa Cagayan.

Facebook Comments