29 MILYONG PISO, IPINAMAHAGI SA TUPAD BENEFICIARIES

Cauayan City – Natanggap na ng mga benepisyaryo ng TUPAD mula sa Isabela ang kanilang sahod mula sa Department of Labor and Employment.

Ayon sa ulat, nasa 6,600 na benepisyaryo ang tumanggap ng nabanggit na sahod kapalit ng kanilang ilang araw nilang pagseserbisyo.

Ang mga TUPAD beneficiaries ay mula sa lungsod ng Santiago, Angadanan, Luna, Reina Mercedes, San Mariano, San Manuel, Gamu, Dinapigue, at Cabatuan.


Ang pagbibigay ng emergency employment para sa mga benepisyaryo ay patuloy na isinasagawa ng DOLE sa ilalim ng programang ito upang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan nito.

Facebook Comments