2nd batch ng relief goods ng PCSO para sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan, handa na

39

Handa na ang ikalawang batch ng relief goods na ipamimigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office para sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan.

Mismong si PCSO General Manager Royina Marzan Garma ang mangunguna sa paghahatid ng 2nd batch ng relief goods at ilang gamot para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Ulysses.


Nabatid na noong Nov. 16 hanggang 18, tatlong araw na namahagi ng tulong ang PCSO Relief Operation Team sa Cagayan at Isabela.

Kabilang rito ang mga bayan ng Solana at Enrile sa Cagayan at sa bayan ng Tumauini, Ilagan City, San Mariano at Cauayan City sa Isabela.

Facebook Comments