2ND TERM | Xi Jinping, muling nahalal bilang Pangulo ng China

26

China – Muling nahalal bilang Pangulo ng China si Xi Jinping para sa
ikalawang termino hanggang sa 2023.

Sa katatapos na sesyon ng ceremonial parliament sa China, binigyan ng
standing ovation si Xi Jinping matapos makakuha ng 2,970 votes.

Naging Vice President naman ang kanyang right-hand man na si Wang Qishan sa
botong 2,969 habang isa ang tumutol.

Una nang inalis ng National People’s Congress sa kanilang annual session
ang two-term limit rule para sa Presidency and Vice Presidency.

Taong 2013 nang makuha ni Xi ang 2,952 votes kung saan isa ang tumutol
habang tatlo ang nag-abstain.

Facebook Comments