3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa isang drug courier sa Caloocan City

50

Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug courier sa kanilang operasyon sa isang mall sa Caloocan City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Jovit dela Cruz, 27-anyos.


Narekober sa suspek ang 500 grams ng hinihinalang shabu na may street value na P3.4 million.

Ayon kay Dela Cruz, napag-utusan lang siya na ihatid ang limang pirasong transparent plastic sachet ng shabu at pinangakuang babayaran ng 5,000.

Nabulilyaso ang lakad niya nang isa pa lang ahente ng PDEA ang napaghatiran niya ng shabu.

Facebook Comments