3.7 milyong doses ng Janssen COVID-19 vaccines, dumating sa bansa kagabi

Dumating na sa bansa kagabi ang 3,789,600 doses ng Janssen COVID-19 vaccines.

Kasunod ito ng 2,011,200 doses din ng Janssen na dumating sa bansa nitong lunes ng gabi.

Parte ang mga bakuna ng donasyon ng Dutch government sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.


Tinatayang nasa 8,247,200 vaccine doses ang natanggap ng Pilipinas kahapon lamang.

Nasa 97,237,440 vaccine doses na ang naiturok sa bansa as of December 13 kung saan 41 milyong Pilipino ang fully vaccinated.

Facebook Comments