3 araw na “Oplan Tabang COVID-19 Response” ng DZXL-Radyo Trabaho Team, matagumpay; 68 na maliliit na manggagawa, napagkalooban ng special package!

50

Matagumpay ang pag-ikot ng DZXL Radyo Trabaho Team katuwang ang RMN Foundation sa pagbibigay ng special packages para sa mga ordinaryong mga manggagawa.

Nahati sa dalawang grupo ang Radyo Trabaho Team kung saan 68 special packages ang pinamigay bilang selebrasyon ng ika-68 na anibersaryo ng RMN, ika-8 anibersaryo ng RMN foundation at ika-2 anibersaryo naman ng Radyo Trabaho.

Bukod sa pamimigay ng packages ay may pag-asa ring dala ang grupo dahil sa Bisikle-Trabaho promo kung saan ang 68 na nabigyan ng special packages ay may pagkakataon ding manalo ng isa sa dalawang bisikletang ibobola ngayong darating na Biyernes, Agosto 28, 2020.

Nagpapasalamat kami sa Pfizer Philippines Foundation, ACS Manufacturing Corporation sa patuloy na pagsuporta sa ating adhikaing makatulong sa ating mga manggagawa.

Facebook Comments