
Nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagpanaw ng beteranang aktres na si Gloria Romero.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuña, bilang itinuturing na pinagmulan ng unang mga teatro sa bansa ang lungsod, nagpapaabot siya ng pakikiramay sa mga Manileño at sa sambayanan sa pagpanaw ng aktres.
Dahil dito, idineklara ng alkalde ang tatlong araw na pagluluksa mula ngayong araw hanggang sa Martes, January 28.
Bukas, isasama sa gagawing flag ceremony ang panalangin para sa yumaong aktres at para sa mga naiwang pamilya nito at mga tagahanga.
Paglilinaw naman ni Lacuna, hindi holiday ang tatlong araw na period of mourning at tuloy pa rin ang trabaho at pasok sa eskwela.
Facebook Comments