3-ARAW NA SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY, IDINEKLARA SA DASOL, PANGASINAN

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Dasol ang Resolution No. 14, s-2025, na nagdedeklara ng Pebrero 19, 20, at 21, 2025, bilang Special Non-Working Holiday sa buong munisipalidad.

Ang naturang resolusyon ay upang bigyang Daan ang pagdiriwang ng 2025 Dasol Town Fiesta at Asin Festival.

Sa pamamagitan nito, hinihikayat ang lahat ng sektor, pribado man o pampubliko, na makiisa at maki-gunita sa makulay na pagdiriwang ng kultura at tradisyon ng Dasol. Ang tatlong araw na pista ay inaasahang magbibigay tuwa at pagkakaisa sa mga residente at mga bisita sa nasabing bayan.

Ang Dasol Town Fiesta at Asin Festival ay isang taunang kaganapan na nagtatampok ng mga tradisyunal na sayaw, musika, at lokal na produkto, kabilang ang kilalang asin mula sa bayan ng Dasol. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments