3 barkong pandigma ng Russia, dumaong sa pier 15, South Harbour Manila

558

Manila, Philippines – Tatlong barkong pandigma ng Russian Navy ang dumaong sa Pier 15, South Harbour Manila kaninang umaga.

Kabilang sa dumating ang Admiral Panteleyev, Admiral Vinogradov na kapwa large Anti-Submarine Ship at Boris Butoma na isang Large Sea tanker ng Russian Pacific Fleet.

Sinalubong ang mga nasabing barkong pandigma nina Russian Ambassador Igor Khovaev at mga opisyal ng Philippine Navy.

Limang araw na tatagal sa bansa ang mga nasabing barko para sa goodwill visit.

Ang pagbisita ng mga nasabing barkong pandigma ay kaugnay rin sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Russian Defense Minister Sergey Shoyguto na dadalo sa 4th ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus.

Samanla, bukas nakatakda naman dumaong sa Port of Subic sa Olongapo City ang dalawa pang Russian Navy ship na Nikolay Vilkov na isang large landing ship at Forty Krylov na isang Rescue Tug.

Ang mga nasabing barko naman ay magbaba ng mga kagamitan na ibibigay ng Russia sa bansa.

Facebook Comments