3 batang nag viral sa social media dahil sa pananakit ng kanilang ama- Na- rescue

General Santos City- Matagumpay na rescue sa kanilang ama ang tatlong mga batang sinasaktan ng kanilang ama habang bini-video ito.

Una ng nag viral sa social media ang video ng pananakit sa magkakapatid ng amang si Jeffrey Udasan na taga Barangay Batomelong, Gensan dahil na rin sa tulong ng mga kasamahang OFW ng ina ng mga nasabing mga bata.

At dahil sa paghingi ng tulong ng nanay nito, agad na rumesponde ang RMN GENSAN NEWS team para matunton ang pamamahay nito sa may Barangay Batomelong at kinumpirma nga taga roon ang pamilyang nag-viral.


Agad naman ikinasa ang operasyon kasama ang mga Barangay official ng nasabing barangay at mga kapulisan ng Tinacagan PNP para mahuli ang nasabing ama.

Una ng nahuli ito at nakatakas, pero hindi pa man ito nakatas, ekslusibo ng nakapanayam ng rmn gensan si Jeffrey Udasan at sinabi nitong drama lang nitong sinasaktan ang kanyang mga anak, dahil sa kagustuhan nitong umuwi na sa kanila ang asawa nitong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa huli, inamin nito ang kanyang pagkakamali na nagawa. At matapos itong makapanayam ng rmn gensan team, agad naman itong tumakbo dahil paparating na ang mga pulis at taga barangay na huhuli sa kanya at di nakinig sa payo ng rmn gensan na mas mabuting sumuko na ito.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng DSWD GENSAN ang tatlong mga batang na- rescue.

Napag-alaman na naging viral sa social media ang pananakit ng nasabing sa ama sa kanyang 3 anak, sa pamamagitan ng pagsipa, sampal at binitay pa ang isang anak nito.

Facebook Comments