3 Bayan kabilang ang Coastal Town sa Isabela, COVID-19 Free

Cauayan City, Isabela- Tatlong bayan kabilang ang dalawang coastal town ng Isabela ang COVID-19 Free batay sa inilabas na datos ng Provincial Health Office ngayong araw, Pebrero 14, 2022.

Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Benito Soliven, Maconacon at Dinapigue.

Nanguna pa rin na may mataas na bilang ng aktibong kaso ang Santiago City na umabot sa 66, Ramon (33), Cauayan City (31).

Samantala, nasa 420 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan matapos madagdagan ng 15 na tinamaan ng virus habang isang (1) panibagong kaso ng nasawi at 53 ang recovered.

Patuloy pa rin ang paghimok ng health authorities sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na health protocol sa pag-iwas sa COVID-19.

Facebook Comments