3 Binata na Nanggahasa ng Day Care Pupil sa Mt. Province, Inaresto

21
Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang naaresto ng mga awtoridad ang tatlong out-of-school youth na nanggahasa umano sa isang day care pupil sa Natonin, Mountain Province.

Ayon sa Mt. Province Provincial Police Office, ang tatlong suspek ay pawang mga edad 18,20 at 21.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang pangmomolestiya sa biktima noong 2018-2019 sa noo’y day care pupil na biktima.

Dalawa naman sa mga suspek ang pinayagang makapagpiyansa ng korte na nagkakahalaga ng P200,000 bawat isa habang ang isa naman ay walang inirekomendang piyansa.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic act 8353 Anti-Rape Law of 1997.

Ikinustodiya na sa Mountain Province District Jail habang hinihintay ang gagawing pagdinig ng korte sa kanilang mga kaso.

Facebook Comments