3 day training camp ng Gilas Pilipinas, sinimulan na

65

PBA – Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang three-day training camp ngayong araw sa Tagaytay.

Matapos ang kanilang practice kahapon, dumiretso sila agad sa Splendido Taal Country Club kung saan ayon kay Coach Chot Reyes, kanilang pag-aaralan kung paano magkaroon ng chemistry ang bawat isa sa national team.

Pag-isisipan din nila kung paano palakasin ang kanilang depensa kasama na dito ang rebounding kung saan kanilang isusunod ang pagse-set ng opensa.

Nabatid na isinagawa ang nasabing training camp matapos na makita ni Reyes ang kanilang kahinaan sa naging talo ng Gilas sa Alab Pilipinas sa kanilang tune-up game noong Sabado sa score na 81-76.

Facebook Comments