3 DAYS OFFICIAL VISIT | PRRD, nasa Jordan na

59

Makikipagpulong ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa hari ng Jordan na si King Abulla II.

Ito ay kasabay ng tatlong araw na opisyal na pagbisita nito.

Dumating ang Pangulong Duterte sa Jordan 05:17 ng kahapon ng hapon (oras sa Jordan) o 10:17 na ng gabi sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang historical visit sa Israel.

Magkakaroon ng working lunch ang dalawang lider at kasama ni Pangulong Duterte ang kanyang official delegation.

Pagkatapos ng pulong sa hari ng Jordan ay magkakaroon naman ng business forum si Pangulong Duterte kasama ang Jordanian investors na kanyang iimbitahan na maglagak ng negosyo sa bansa.

Matatandaan na sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel ay umabot sa $83.9 million ang iuuwi ng Pangulo na halaga ng investment sa Pilipinas at halos 800 trabaho naman ang mabubuksan para sa mga Pilipino na resulta din ng official visit ng Pangulo sa Israel.

Bukas namang inaasahan na haharapin ni Pangulong Duterte ang Filipino community sa Jordan.

Facebook Comments