3 heneral at 2 colonel, binigyan ng bagong pwesto sa PNP

460

Itinalaga sa mga bagong pwesto ni Philippine National Office (PNP) Chief Pol. Gen. Archie Gamboa ang 3 heneral at 2 colonel epektibo ngayong araw.

Sa general order na may petsang August 26, inappoint si dating PNP Health Service (PNPHS) Director Pol. Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. bilang Director ng PNP Finance Service.


Papalit naman kay Tadeo bilang Acting Director ng PNPHS si Police Colonel Arthur Cabalona na dating naka-assign sa Directorate for Comptrollership.

Habang si Police Colonel Arcadio Jamora Jr. mula sa EOD/K9 ay inilagay bilang Acting Executive Officer ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) – Northern Luzon.

Si dating DIPO – Western Mindanao Director Pol. Brig. Gen. Alfred Corpus naman ay itinalaga bilang bagong hepe ng National Police Training Institute (NPTI).

Ang papalit naman kay Corpus bilang Director ng DIPO-Western Mindanao ay si Pol.Brig. Gen. Ferdinand Daway na dating nakatalaga sa PNP Finance Service.




Sinabi ni PNP Spokesperson Pol. Gen. Bernard Banac, ang balasahan ng mga opisyal ay dahil sa pag-reretiro ni NPTI Director Pol. Maj. Gen. Ramon Rafael ngayong araw (August 28,2020).

Facebook Comments