3 highest collecting line agencies sa ARMM, ginawaran ng pagkilala ng ORT-ARMM!

14

Kasabay ng selebrasyon ng kanilang ika- 26th anniversary, pinarangalan ng Office of the Regional Treasury-ARMM ang top 3 highest collecting line agencies sa rehiyon mula taong 2015 hanggang 2017.
Ang parangal ay pagkilala sa mga kontribusyon ng mga ahensya sa revenue generation efforts ng ORT-ARMM.
Ang awardees ay ang Department of Environment and Natural resources, Department of Public Works and Highways at Regional Ports and Management Authority.
Tinukoy din ng ORT-ARMM ang Polloc Freeport and Ecozone bilang most improved regional agency sa usapin ng collection remittance.
Sinabi ni ARMM Regional Treasurer Kanggo Umal, Alhaj, ngayong 2017 ay nakalikom sila ng P1.6 billion.
Sa susunod na taon, inaasahan lalo pa itong madadagdagan sa pamamagitan ng pagtutulungan o ‘enhanced partnership.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments