3 holdaper kabilang ang menor de edad, arestado sa Las Piñas

Las Piñas City – Naaresto ng mga barangay tanod at pulis ang tatlong holdparer kabilang ang menor de edad sa Aratiles St., CAA, Las Piñas City.

Knilala ang mga suspek na sina Angelito Pacheco, 22 anyos, residente ng Kamalig St., CAA, Las Piñas City; Jeric Villamor, at isang 14 anyos na binatilyo.

Batay sa imbestiasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa nabanggit na lugar nang biglang lapitan ng mga suspek na armado ng sumpak at patalim nagdeklara ng holdap at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone.


Huminigi ng tulong sa pulisya at barangay tanod kaya naaresto agad si Angelito Pacheco na siyang tumutok ng baril.

Sa ginawang follow up operation, nahuli ang mga kasamahan nito kabilang ang menor de edad.

Narekober ang cellphone at baril at patalim na ginamit ng mga holdaper.

Itinurn over na sa pangangalaga ng DSWD ang menor de edad na holdaper.

Facebook Comments