3, huli sa paggamit ng iligal na droga sa loob ng Lipa City Jail

57

Huli sa akto ang tatlong preso sa paggamit ng iligal na droga sa loob ng Lipa City Jail.

Nabatid na ang mga nahuli sa pot session ay may mga dating drug cases na rin, kaya panibagong reklamo ang kanilang kakaharapin.


Bukod dito, isasama na rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa imbestigasyon ang buong pamunuan ng Lipa City Jail para malaman kung paano nakapagpuslit ng droga ang ilang bilanggo sa nasabing piitan.

Kabilang na din sa sisiyasatin ay ang proseso ng pagpasok ng mga dumadalaw maging ng ilang tauhan ng city jail.

Facebook Comments

From Advertisers