3 huli sa pagsusugal, 1 sa mga suspek kinasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code

Pasay City – Arestado ang 3 lalaki matapos maaktuhang nagsusugal sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jorge Bartulay Ragasa, alyas ‘Jojo’ 38-anyos, Jopel Onyot Gabutero, 24-anyos at John Michael Cabe Medellin, 18-anyos.

Ayon kay SPO1 Villarojo, nagsumbong ang isang concern citizen kaugnay sa pagsusugal ng mga suspek sa Andrew’s Avenue, PAL Gate 1, sa nabanggit na barangay.


Inabutan ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz.

Nakumpiska ang barya na pangara, bet money at isang 12 inch na patalim.

Kasong paglabag sa PD 1602 ang isasampang kaso sa 3 suspek na naaresto habang karagdagang kaso na may kaugnayan sa Omnibus Election Code ang isasampa kay John Michael Cabe dahil sa pagdadala ng patalim.

Facebook Comments