3 kababaihan nagnakaw ng sigarilyo sa Pangasinan, pinaghahanap

Nakita sa CCTV ang pagnanakaw ng sigarilyo ng tatlong kakabaihan sa isang convenient store sa bayan ng Bayambang Pangasinan.
Ayon sa nagmamay-ari ng convenient store ,mag-isa ito ng nangyari ang pagnanakaw at habang nag-aayos ng mga paninda ng pumasok ang isang babae.
Sa kuha ng CCTV , kita ang isang babae na kumuha ng limang ream ng iba’t-ibang klase ng sigarilyo at iniligay sa bag ng dalawa nitong kasama sa pagnanakaw.
Nagkakahalaga ng 5, 000 ang sigarilyo na natangay ng mga suspek.
Sa ngayon patuloy ang paghahanap ng awtoridad sa tatlong suspek.
###

Facebook Comments