3 katao, arestado matapos makuhaan ng mga baril sa Cagayan de Oro

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong katao matapos makuhaan ng mataas na kalibre ng baril sa Cagayan de Oro City.
 
Kinilala ang mga suspek na sina Oding Alamada, Sidic Casubedan at Sainoden Bitiara na nag-check in sa magkaibang hotel.
 
Ayon kay Divisoria police station Commander S/Insp. Maricris Mulat, nakuhaan ng granada ang kwartong tinuluyan ng mga suspek sa country village hotel ng barangay Carmen sa syudad.
 
Namataan aniya ng kaniyang mga tauhan ang tamaraw FX na sinasakyan ng mga suspek na papalabas sa isa pang hotel kaya hinarang at naaresto ang mga ito.
 
Narekober sa mga suspek ang kalibre .45 na baril, sachets ng suspected shabu, electronic devices at wirings at cellphones.
 
Tumanggi muna magkomento si Mulat kung konektado ang mga suspek sa teroristang Maute na nakabase sa Butig, Lanao Del Sur.

Facebook Comments