3 katao, patay sa anti-illegal drug operation ng militar sa Maguindanao

Maguindanao, Philippines – Patay ang tatlong katao sa anti-illegal drug operation ng militar sa Pandag, Maguindanao.

Katuwang ang Daru Paglas Police, nilusob ng mga tropa ng 33rd Makabayan Battalion ng Philippine Army ang bahay ni Abdulatip Pendaliday alyas Commander “Grass Cutter” na umano’y sangkot sa illegal drug trade.

Nang papalapit sa hideout ng grupo, bigla umano silang pinaulanan ng bala ng mga suspek.


Gumanti naman ng putok ang mga otoridad na ikinasawi nina samir Pendaliday, Nastudin Saligan at Rakim Pendaliday.

Narekober sa grupo ang tatlong m16 rifles, tatlong m203 at isang m79 na grenade launchers.

Nakumpiska rin sa mga ito ang 34 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 170-libong piso.

DZXL558

Facebook Comments