3 kidnaper, patay sa engkwentro sa Cavite

Cavite – Patay ang 3 hinihinalang kidnaper matapos makipagbakbakan sa mga otoridad sa bahagi ng Barangay San Francisco, Binan, Laguna kaninang tanghali.

Ito ang kinumpirma ni PNP Anti-Kidnapping Group Chief Sr. Supt. Glen Dumlao.

Aniya ala-1:40 ng hapon kanina nang ikasa ng mga tauhan ng PNP AKG ang rescue operation para sa kidnap victim na Indian na si Anial Sohal.


Aniya, papunta pa lamang daw sa isang fast food chain sa Laguna ang family communicator ng pamilya ng kidnap victim na si Sanile Sohal para gawin ang pay-off o pagbabayad ng initial ransom money na 935 thousand pesos.

Pero pagsapit pa lamang sa bahagi ng Southwoods tollgate sa Barangay San Francisco, Binan, Laguna ay natukoy na nang mga tauhan ng PNP AKG ang sasakyang gamit ng mga kidnaper dito na nila isinagawa ang rescue operation hanggang sa nauwi sa engkwentro.

Agad na napatay ang 3 kidnaper habang nailigtas naman ang kidnap victim.

Positibo namang tinukoy ng kidnap victim ang mga nasawing kidnaper na responsable sa pagdukot sa kanya.

Sa ngayon patungo palang ang PNP SOCO sa lugar.

Si Anial Sohal ayon kay Supt. Dumlao ay dinukot noong August 13, 2017 sa Binan, Laguna.

Facebook Comments