3 kondisyon para sa posibleng implementasyon ng limited face-to-face classes, inilatag ng DepEd

150

Naglatag ang Department of Education (DepEd) ng tatlong kondisyon para sa implementasyon ng limited face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Usec. Anne Sevilla, maaaring gawin ang limited face-to-face classes sa mga lugar na:


  • Walang quarantine status at walang kaso ng COVID-19
  • Dapat na nasusunod ang health protocols
  • Dapat na sang-ayon ang mga magulang

Pagtitiyak ni Sevilla, makikipag-ugnayan muna sila sa mga Local Government Unit (LGU) bago ipatupad ang limited face-to-face classes.

Hindi rin ito gagawin nang sabay-sabay, sa halip ay magkakaroon muna ng pilot run.

Facebook Comments