3 Korean nationals na iligal na nagtatrabaho sa isang private resort sa Cavite, arestado ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Korean nationals dahil sa iligal na pagtatrabaho sa private resort sa General Trias, Cavite.

Kinilala ang 3 Koryano na sina Oh Hyunsik, 51; Kim Haeyoung, 48; at Kim Seoyeong, 45.

Ayon sa BI, ang tatlong dayuhan ay walang permits at visa na malinaw na paglabag sa Philippine immigration laws.

Ang naturang Korean nationals ay nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang umuusad ang deportation proceedings laban sa kanila.

Facebook Comments