3 lungsod sa NCR, nagpadala ng contact tracers sa Pasay

23

Nagpapatuloy ngayon ang malawakang contact tracing sa Pasay City.

Kabilang ngayon sa tumulong na sa contact tracing ng lungsod ang mga pinadala ng Caloocan, Taguig at Parañaque.


Kasabay ng pinalawak na contact tracing ang mass testing sa mga residente ng Pasay.

Sa ngayon, 134 pang mga barangay sa lungsod ang nasa granular lockdown kung saan binubuo ito ng 431 na bahay.

Habang isang barangay ang patuloy na naka-total lockdown.

Sa ngayon, nakitaan na rin ng pagbaba sa COVID-19 cases sa Pasay.



Facebook Comments