3 mag-aaral na nalunod sa Cagayan river, patuloy na pinaghahanap

25

Manila, Philippines – Patuloy pang hinahanap ng rescue 922 ng pamahalaang lungsod ang tatlong mag-aaral na nalunod sa ilog Cagayan sa Barangay Duminit, Cauayan City ngayong Black Saturday.

Kinilala ang mga biktima na sina sina Rachel Domingo, Rhea Labog at Carla Jane Maramaag, pawang 12-anyos, mga mag-aaral ng Duminit Elementary School at residente ng Duminit, Cauayan City.

Sa ulat, kasama ng mga bata ang mga kamag-anak na nag-picnic sa Ilog Cagayan at habang naliligo ay napadako ang mga biktima sa lugar kung saan malakas ang agos ng tubig na dahilan para sila ay malunod.
Nation”

Facebook Comments