3 major national competition ng DepEd, kasado na sa susunod na buwan

Pagkatapos alisin ng Department of Education o Deped ang suspensyon ng tatlong major national competition, inihayag ngayon ng nasabing kagawaran na nakatala nang gawin ang Natioanl Science and Technology Fair (NSTF), Natioanl Festival of Talents (NFOT), and National School Press Conference (NSPC) sa Marso.

Anyon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, sa unang lingo ng Marso, nakatalang gawin ang NSTF sa isang malaking hotel sa Cubao, Quezon City.

Aniya sa ikalawang linggo naman ng Marso sabay na gaganapin ang NFOT sa Ilagan City, Isabela, habang ang NSTF naman ay gagawin sa Tuguegaroa City, Cagayan.


Wala anya binago sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga nasabing DepEd national activies, kung ano anya ang orihinal na plano sa venue ay sinunod lang nila ito.

Pero anya dapat mahigpit na sundin ang mga panuntunan at kautusan ng Department of Health o DOH upang makaiwas kontra sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa pagsasagawa ng NSTF, NFOT, at ang NSPC.

Matatandaan kinansela ng pamunuan ng DepEd ang tatlong national major activities nagaganapin sana ngayon buwan dahil sa COVID 19, bilang pagiingat ng nasabing ahensya upang hindi mahawaan ang mga magaaral at maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Facebook Comments