3 Malaysian na bihag ng Abu Sayyaf Group, pinalaya na

29

Manila, Philippines – Pinalaya na ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang tatlo pa nilang bihag na banyaga kagabi.

 

Sa ulat ng Joint Task Force Sulu, alas 11:30 ng gabi kagabi nang palayain ng mga bandido ang tatlong Malaysian.

 

Kinilala itong sina Zulkipli Bin Ali, Mohammad Ridzuan Bin Ismail, at Fandy Bin Bakran.

 

Sa ulat, pinalaya ang mga biktima sa bisinidad ng Brgy. Jinggan, Panglima Estino, Sulu kasunod ng isinagawang focused military operation ng tropa ng Joint Task Force Sulu.

 

Agad namang isinailalim sa medical Checkup Ang Mga Biktima  Sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista Hospital.



Facebook Comments