3 Menor de edad sa Santiago City, Timbog sa Pagtutulak ng droga!

79

*Santiago City- *Arestado ang tatlong menor de edad na kalalakihan matapos magbenta ng iligal na droga pasado alas otso kagabi sa Brgy. Caloocan, Santiago City.


Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP Santiago City Police Station 1, nakatanggap umano ng ulat ang naturang tanggapan kaugnay sa iligal na gawain ng tatlong menor de edad na pawang mga residente ng Brgy. Patul, Santiago City.

Dahil dito ay nagkasa ng Drug buy bust operation ang presinto uno kung saan nakuha mula sa mga suspek ang dalawang transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana at ang 500 pesos bilang buy bust money.

Dinala na sa kustodiya ng Santiago City Police Office (SCPO) ang mga nadakip na mahaharap sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.

Facebook Comments